What’s Your Specialty?

3 tips sa pagpili ng negosyo recipes

So you think it’s time to start your own online food business? As they say, there’s no time like the present to start. Pero sa dami ng pwede i-benta online at sa dami ng competition, kahit sino naman ay maiintimidate sa simula. So kung hindi ka pa nakakapagsimula, don’t worry! There is no such thing as too late. And the good thing is, we have three easy tips to help you get started.

 

Tip #1: Magsimula sa alam mo

Most successful businesses start with passion. So ang unang tanong ay dapat: What can you cook? Baka leche flan recipe ni mama o yung kare-kare na speciality ni lola—basta the key is to start with what you know, what you enjoy cooking and what you love eating.

Ano ba ang lagi mong dala sa mga potluck o reunions? Ano ba ang nirerequest ng mga kamaganak mo? Kung may special occasion sa bahay, tulad ng birthday o graduation o anniversary, ano ang laging handa? Halos lahat tayo meron nyan!

Kung may sagot ka na, consider this to be your first step! Pero kung medyo newbie ka rin sa kitchen, hindi naman ibig sabihin nun ay hindi ka na makakanegosyo. There are plenty of recipes you can try and learn to make on your own, tulad ng mango ref cake, leche flan o maja blanca. You can browse through the website to get more recipe ideas!

 

Tip #2: Tingnan ang proseso

Ang next na dapat i-consider ay ang feasibility. Ito ay kung gaano ka posible gawing negosyo ang iyong chosen product. For example, the recipe should be easy enough for you to do over and over. Isa pa, kailangang madali ang pagbili ng mga kailangan na ingredients. Available ba ang mga kailangan mo bawat buwan ng taon o seasonal sila? Tignan mo rin ang mga posibleng packaging options at kung makakarating siya ng maayos sa mga customers.

In the end, these things are important to consider kase makakatulong sila sa pagsagot kung paano ka makaka-online negosyo.

 

Tip #3: Market research!

Ang next tip para sayo ay ang pag-test ng iyong product. Mag market research ka.

Gumawa ka muna ng free samples para sa mga kapitbahay, sa mga kumare o kumpare, at pati na rin sa mga kaibigan ng anak o pamangkin mo. The more the merrier! Hindi naman kailangan buong produkto ang ibigay mo—para hindi naman tayo malugi—kahit kapiraso lang para may masabi sila sa niluto mo. And if they say your sample was too small, take it as a good thing! Kase ibig sabihin, they want more.

Pero kung may masabi man sila na hindi gaano ka-positibo, tandaan lang na whatever their opinion is, we should take it as constructive criticism. If they say it is too salty or too sweet o kulang man ng lasa, adjust your product as necessary. It might be a matter of adding a little more milk lang, diba.

Remember: pwede sila rin ang bibili sayo eventually. So if they like your product, bentahan mo na sila!

Kung tutuusin, it all really just starts with one question: What’s your specialty? From there, pwede mo na pagisipan kung ano ang kailangan gawin para maging online business siya! After all, they say that the best job is one that doesn’t feel like a job at all. And if you’re working on something that you already love making at makakakita ka pa dito, then ikaw talaga ang mananalo (at syempre, ang mga happy customer!).

We'd love to hear from you!

Have you tried this recipe? Share about it and upload a photo.

Note: Your email address will not be published. Required fields are marked *