Kwentahan, Kwentuhan
Pricing your items and computing your profit with the Angel Kita calculator!
Ibang disciplina ang pag presyo ng mga binebenta dahil hindi lang siya simpleng pag-add at pag-subtract. Medyo madami rin ang kailanga i-consider sa pag compute ng tamang presyo para sure na may kita pa rin tayo at the end of the day. After all, ang kita ng online negosyo ay nakasalalay sa pricing ng items natin.
So before you announce your prices online, remember to take these things into consideration:
Ang mga gastos
Sa unang una palang ay may mga bagay ka ng kailangan bilhin o bayaran: ingredients, packaging items, yung mga tutulong sa pagluto—at ang lahat ng ito ay ang mga gastos ng negosyo mo. More often than not, costs of an online business will be fixed; hindi sila mamawala. In fact, tataas pa yan as you grow and expand your negosyo.
Pero habang may mga fixed na cost, meron din tayong tinatawag na variable expense, o yung mga pambabayad na iiba-iba din pa-minsan minsan. For example, mas mahal ang mga sariwang prutas kung hindi sila in season. Ang mga ibang variable cost ay ang utility costs ng negosyo, tulad ng electricity o tubig, at sales commissions sa mga tumutulong sayo sa pag-benta.
Depende naman talaga sa proceso ng negosyo ang listahan ng mga gastusin nito, whether fixed cost siya o variable cost. But while you’re listing down your costs, it will also pay to think of ways to save on your expenses. Baka ang mga suppliers na pinagbibilhan mo, nagooffer ng discounts kung madami ang order mo sa kanina o baka mas magandang bayaran ang mga empleyado mo ng hourly rates or daily rates.
Potential revenue sources
Sa negosyo, maraming potential revenue sources, pero ang pinakamalaki ang ay ang pagbebenta ng mga produkto. Pero higit pa sa pag-benta, may mga iba rin pwede tignan para pagkakitaan: delivery fee (kung ikaw man ang magddeliver ng mga sariling produkto), pwede rin mag wholesale ng mga pinagbebenta, pwede maging supplier sa mga party o kahit ano man.
I-lista ang lahat ng posibleng revenue source para mas may potential lumaki ang revenue!
Ang profit margin
When you price your products, kailangan may profit margin goal ka rin. Gusto mo ba kumita ng 30 percent bawat benta or mas gusto mo na 40 percent ito? Ang pag compute ng profit margin ay nakukuha sa sumusunod na formula:
Profit Margin = [(Revenue – Cost)/Revenue] x 100
Experiment with the numbers and see where you can adjust in order to reach your target profit margin. Pwede bang i-baba ang mga gastos or kailangan taasan ang presyo ng mga produkto?
Wag ka maintimidate sa mga numbers! May Angel Kita Calculator na para tulungan kang makita ang inyong potential kita!