Angel’s Online Business Starter Pack

Here’s a checklist of all that you need to know when starting an online business

Starting an online business is not easy. The truth of the matter is, there’s a lot to consider when starting an online business of your own. So bago ka muna magsimula (o mag-extend kung nakapagsimula ka na!), remember these five things that you need to know when starting an online business:

 

Planning your products

When it comes to your online negosyo, plan your product line accordingly. Kung may specialty ka na, pagisipan na rin ang mga items na pwedeng i-partner. Or kung hindi naman swak na swak na partner, pwede rin ibahin lang ang mga flavors. May ube na at strawberry na nga, may mango flavor pa!

Giving your customer options means giving yourself and your negosyo more potential to earn.

 

Finding the right suppliers

Another thing you should already be thinking about is your suppliers o kung saan mabibili ang mga kailangan na gamit, kung ingredients man o mga pang-package. At tandaan: may mga paraan para makatipid sa mga costs!

May mga suppliers na nagbibigay ng discount para sa bulk order, so order na ng malaki kung alam mong mauubos at magagamit rin naman. At kung saan pwede, mag order na diretso sa supplier; wag ka na dumaan pa sa mga grocery o third-parties. Tulad ng Angel Milk, na nag-ooffer ng direct at bulk orders (link to bulk order form).

 

Payment methods available

Of course, kailangan rin ng ready payment methods para sa mga order ng customers. Buti nalang ay marami ng paraan para tayo ay makapag-transact online. Sa ganun, pwede rin makapili ang customers kung ano ang pinakamadali sa kanya.

On top of your bank account, pwedeng magbukas ng GCash account o PayMaya. Ang importante lang i-consider sa mga payment methods ay kung madali rin natin ma-checheck kung nakapasok na ang transfer. Syempre, we will avoid all possible ways na pwede tayo ma-scam.

 

Delivery methods available

As much as possible, kailangan rin siguraduhin na makakarating ang mga produkto sa mga customer ng maayos! So before you make the announcement that you’re ready to sell, better to check what delivery methods are available and are within your reach—at wala rin namang kakulangan sa options.

Madami ng delivery services available ngayon, para sa mga maliit na order at sa mga malalaki. May mga options na rin tayo na i-schedule ahead of time ang mga deliveries, pero may rush options rin para sa mga customers na hind talaga magapaghintay sa mga masasarap na produkto mo!

 

Invest and re-invest

Starting a business—any business—requires capital o yung pera para makapagsimula. Walang dalawang negosyo na pareho ang kailangan na capital, dahil depende ito sa kakayanin ng business owner at, syempre, ang produkto mismo.

So sa simula palang, be prepared to make the investment sa sarili mong pangarap. At pag ikaw ay nakakapag benta na, remember to re-invest in your business, too. Ang ibig sabihin lang naman ay kailangan pagisipan ang pagiwan ng konting puhunan galing sa kita natin para hindi na ulit magdadagdag ng capital.

Think long-term when it comes to spending your profit.

It might be intimidating at the beginning, but there really is a lot to think about before stating you own online business. Pero kung gaano man nakakatakot magsimula, mas maganda pa rin ang return sa inyo. Kailangan lang simulan.

We'd love to hear from you!

Have you tried this recipe? Share about it and upload a photo.

Note: Your email address will not be published. Required fields are marked *